Sabi nila walang sikreto ang hindi nabubunyag at balang-araw ay lalantad at lalantad ang katotohanan.
Isang patunay ang isang 20-anyos na babae sa Turkey kung saan, nagpanggap at napaniwala ang karamihan na isa siyang doktor.
Bata pa lamang umano, ito na ang kaniyang pinangarap na maging propesyon, ngunit nang siya ay kumuha ng entrance exam sa Capa Medical University ay nabigo siya.
Nang dahil sa ayaw niyang mapahiya sa kaniyang pamilya ay gumawa siya ng paraan at pineke niya ang lahat at nagpanggap na nakapasa sa prestihiyosong paaralan.
Maliban rito nagtuloy-tuloy ang kaniyang kasinungalingan mula sa probinsya ng Istanbul sa kaniyang boarding house, hanggang sa minsang isinugod ang kaniyang ina sa isang ospital sa kanilang probinsya at nagpakilala siya dito bilang isang doktor at ipinakita ang kaniyang mga pekeng student cards, doctor ID cards at pekeng plaque na nagtapos siya ng may mataas na marka sa buong batch.
Sa kadahilanang ito ay mistulang napabilib niya ang mga hospital staff at inofferan siya na maging doctor dito na wala namang pakundangan niyang tinanggap.
Ngunit, kalauna’y unti-unti nang napaghalataan ng ospital ang kaniyang pagpapanggap, kaya naman, tumawag na ang mga hospital staff sa otoridad at dito na siya inimbistigahan.
Sa pagpunta at pag-imbistiga sa kaniyang apartment, dito na natagpuan ang mga pekeng ID cards mula sa iba’t ibang ospital, iba’t ibang uniporme ng medical schools at mga pekeng dokumento.
Kalauna’y, umamin din ito sa kaniyang mga kasinungalingan at agad inaresto ng kapulisan.### WENCY LISAY