Releasing ng social pension sa Koronadal tuloy ngayong araw!

KORONADAL CITY- TULOY ang pamamahagi ng social pension ngayong araw sa Koronadal sa kabila ng declaration ng holiday sa lungsod.

Ito ang inihayag ni Dennis Dominggo II, information officer ng Department of Social Welfare and Development o DSWD-12 sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Suno kay Dominggo, wala silang natanggap na pagpaliban sa releasing ng mga social pension sa Koronadal sa kabila ng deklarasyon ng holiday.

Dagdag pa ng opisyal na base sa scheduling ng Provincial Social Welfare and Development o PSWDO-South Cotabato kailangan maibigay sa mga benepisyaryo ang kanilang social pension ngayon araw, Oktubre 9 hanggang bukas, Oktubre 10.

Sa scheduling, Oktubre 9 ang releasing ng social pensioners sa mga barangay ng San Jose; Avanceña; Cacub; Carpenter Hill; Concepcion; Esperanza; Mabini; Magsaysay; New Pangasinan; Rotonda; Topland; San Roque; Saravia at Sto Niño habang bukas naman ang Barangay Assumption; GPS; Caloocan; Mambucal; Morales; Namnama; Paraiso; San Isidro; Sta Cruz; Zone I, II, III at Barangay Zone IV.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *