NAGA CITY – May mga Persons Who Use Drugs sa Naga City ang umiiwas sa screening and assessment na ginagawa ng City Dangerous Drugs Board dahil ang ilan sa mga ito ay gumagamit na naman diumano ng iligal na droga, gaya ng marijuana at shabu.
Kahit ang iba na nasa After Care Program at mga nagsasailalim sa iba pang interbensyon ay nag relapse na rin, ayon kay NCDDB Head Toti Importante, matapos na gawin ang naturang aktibidad sa Barangay San Felipe.
Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Importante, hangad ng mga barangay opisyal sa lungsod na mapabilang sa drug-cleared barangay ang kanilang lugar kaya puspusan ang ganitong screening at assessment nila sa mga naitalang PWUDs.
Aniya’y may inilabas na direktiba si City Mayor Son Legacion na dapat may 10 bagong drug cleared barangay ang lungsod ngayong taong 2024.