LEGAZPI CITY – Bahagyang bumaba ang inflation rate ng mga probinsya sa Bicol Region nitong buwan ng Enero 2024.
Base sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA) Bicol, ang Sorsogon ang may pinakamababang inflation rate na mayroong 0.6%, sinundan ito ng Camarines Norte na may 3.0%, Albay na may 3.3%, Camarines Sur na may 3.6%, samantalang parehong 4.2% sa Masbate at Catanduanes.
Ang mga umambag naman sa mababang inflation ay ang food and non-alcoholic beverages na may 7.6%, sumunod ang house rental, transport at marami pang iba.
Samantala, ang Bicol ay nasa ika-7 rank sa buong bansa pagdating sa inflation rate, nangunguna rito ang Davao na 4.4% habang ang Region 1 at Region 2 ay parehong nakapagtala ng pinakamababang inflation sa bansa na 1.5%.