Ilang pelikula ni Nora Aunor ipapalabas sa Cannes Film Festival

Napili ang restored film ni National Artist Nora Aunor na Bona noong 1980 na ipalabas sa Cannes Film Festival.

Bukod dito ay nakatakda ring ipalabas ang digitally restored version ng pelikula sa US bilang bahagi ng pag-promote ng Asian films sa America.

Mababatid na taong 1981 unang ipinalabas ang naturang pelikula sa Cannes International Film Festival Director’s Fortnight.

Ang classic film na Bona ay unang ipinalabas sa Pilipinas noong 1980 bilang parte ng 6th Metro Manila Film Festival na idinerek din ng National Artist na si Lino Brocka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *