Chancellor ng Diocese of Daet na si Fr. Ronald Anthony Timoner itinalagang Diocesan Administrator

CAMARINES NORTE – Itinalaga ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon si Father Ronald Anthony Timoner bilang Diocesan Administrator ng Daet, habang naghihintay sa bagong Obispo na itatalaga  naman ng Santo Papa.

Ang appointment ay inanunsiyo ng Diocese of Daet nitong  Miyerkules, May 15 sa pamamagitan ng kanilang official facebook page. Ito ay makaraang mabigo ang College of Consultors na maghalal ng Diocesan Administrator sa loob ng itinatakdang panahon kaya ang Metropolitan Archbishop na ang nag- appoint alinsunod sa canon law.

Sa ilalim ng batas ng simbahan, kinakailangang makapaghalal ng administrador sa unang walong araw ng vacancy ng Diocese.

Matatandaan na naging “sede vacante” ang Diocese of Daet sa pagkakatalaga kay Archbishop Alarcon bilang Arsobispo ng Caceres noong May 2, 2024.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na naging Diocesan Administrator si Timoner. Noong 2017, hinalal siya ng College of Consultors makararaang italaga si noo’y Bishop Gilbert Garcera bilang Arsobispo ng Lipa.

Si Timoner ang kasalukuyang Chancellor ng Diocese of Daet at Parish Priest ng Parroquia De San Pedro Apostol sa Vinzons.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *