Hinimok ng ilang pediatrician sa Angeles city ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa COVID-19.
Ayon kay Dr. Liz Yturralde-Medina, ligtas ang bakuna kontra COVID-19 na gagamitin para sa mga nag eedad 5 hanggang 11, dahil dumaan na ito sa masusing pag aaral ng mga eksperto.
Pinayuhan naman ni Dr. Medina ang mga magulang na may agam-agam sa bakuna, na obserbahan muna ang magiging vaccination roll-out para sa naturang age group.
Isa kasi anya sa layunin kung bakit hinihimok na pabakunahan ang mga batang 5 hanggang 11 ay para makaiwas sa isang kumplikasyon na pwedeng maidulot ng COVID-19 sa mga bata, ito ay ang tinatawag na multi-system inflammatory syndrome.
Samantala inaasahan naman na sa susunod na linggo, magsisimula na ang pediatric vaccination sa bansa.
