Mga papasok sa transaksyon ng sanlang-tira sa olongapo, pinayuhan ng pnp na maging mapanuri

Pinayuhan ng City Police Office ang mga mamamayan ng Olongapo na interesadong pumasok sa transaksyon ng sanlang-tira na maging maingat.
Ito ay para huwag nang makadagdag pa sa listahan ng mga residente ng lungsod na nabiktima ng modus ng mga nagpapanggap na may-ari ng mga real property at isinasanla sa ibat-ibang mga indibidwal na interesado.
Ayon kay Ocpo Investigation and Detective Management Unit Oic Pcapt. Tyronne Tecson, maliban sa dapat ay inaalam muna ng sasanlaan kung sino ang totoong may-ari ay kailangang namomonitor din ng Assesors Office kung kasalukuyan pang nakasanla ang property.
Sa kasalukuyan, wala pang pormal na reklamong natatanggap ang OCPO tungkol dito maliban lang sa mga inireport na sa police stations.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting
Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution
May be an image of 6 people and text that says 'TYPES OF HEADACHE TMJ Headache Sinus Headache Migraine Cluster Headache Tension Headache Power Cells 6in Salabat Herbal Mix Ginger Brew Hypertension Headache Û.a www.powercells.ph'