Naitanim na kawayan sa mga riverbank sa Region 2, Umabot sa 4,000

Umabot sa 4,000 bamboo propagules ang naitanim ng 600 volunteers sa mga riverbank sa rehiyon matapos ang selebrasyon ng Worlds Bamboo Day.

Ito ay isinagawa sa isang araw na simultaneous nationwide bamboo planting na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Ang nasabing bilang ng bamboo propagules ay naitanim sa riverbanks ng Enrile, Solana at Sanchez Mira, Cagayan; Angadanan, City of Ilagan, Echague,Isabela; Aritao, Bayombong at Dupax Del Sur Nueva Vizcaya.

Magugunita na inilunsad noong February, 2021 ang Cagayan River restoration program sa ilalim ng Build Back Better Task Force kung saan tataniman ang riverside ng kawayan upang maiwasan ang soil erosion at pagbaha bilang parte ng rehabilitasyon nito.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon kay Conservation and Development Chief Enrique Pasion, mahigit 131, 0000 bamboo propagules na ang na-produce ng mga empleyado ng mechanized and modernized forest nursery sa Solana, Cagayan, Regional clonal nursery sa Tuguegarao City at ibang nurseries sa rehiyon.