Ibinahagi ng ilang alkalde sa National Capital Region (NCR) ang gusto nilang maging sunod na quaratine status sa rehiyon ngayong huling araw na ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila bukas.
Sa isang panayam, iminungkahi nina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan at Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce ang modified ECQ bilang sunod na quarantine classification sa NCR.
Sinabi ni Ponce na pabor sya sa MECQ pero kailangan pa ring mahigpit na ipatupad ang minimum health protocols.
Sinabi naman ni Pasig City Mayor Vico Sotto na hihintayin na lamang nya ang desisyon ng COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Pero, handa naman umano ang mga alkalde sa Metro Manila kahit ano mang quarantine status ang ipatupad sa rehiyon.
