Duque, nakiusap sa health workers na wag ituloy ang pinaplanong mass protest

Umapela si Health Secretry Francisco Duque III sa mga health workers na pag-isipan muli ang planong pagsasagawa ng mass protest dahil sa di pa naibibigay na benepisyo nila sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa isang panayam, nakiusap ang kalihim sa mga medical frontliners na wag naman sanang magsagawa ng protesta ngayong may pandemya lalo’t obligasyon nilang alagaan ang mga pasyente.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sinabi ni Duque na mapag-uusapan naman at masosolusyunan ang hinaing ng mga health workers wag lamang iwanan ang mga pasyente.

Mababatid na nitong Lunes, sinabi ng health workers group na magsasagawa sila ng mass protest sa gitna ng atrasadong pagbibigay ng kanilang mga benefits pero tiniyak naman nilang mayroong skeletal force sa mga ospital para masiguro ang patuloy na paghahatid ng medical services. Sinabi naman ng health secretary  noong Miyerkules na titignan nila ang posibilidad ng pag-realign ng savings para sa special risk allowance

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings