Ilang middle class family sa China, planong umalis dahil sa posibleng mga lockdowns

Planong umalis ng ilang pamilyang nasa middle class sa China dahil sa posibleng lockdowns doon.

Ayon sa ilan sa kanila, wala na umano silang nakikitang future para sa kanilang pamilya sa naturang bansa kung saan apektado na ang kanilang kabuhayan pati na ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Ilan pa sa dahilan kung bakit gusto nilang manirahan sa ibang bansa ay ang kakulangan sa pagkain at kaliwa’t kanang protesta sa nasabing bansa.

Samantala, inihayag ng ilan pang residente doon na ang ilan sa kanila ay ibinenta ang assets at kumuha ng mauupahan sa Europa. (ARGIE ERGINA)