NAGA CITY – Tila nawawalan na ng pag-asa ang mga barangay opisyal ng Naga City sa ginagawa nilang kampanya na mabakunahan ang mayoriyang bilang ng mga senior citizens sa kanilang lugar.
Ang ilan kasi sa mga ito ay ayaw ng magpa bakuna at magpa booster shot.
May mga nauna ng mga lolo at lola na nagpabakuna at nagpa booster shot noong 2021 sa pagbaba ng bilang mga nagkaka sakit at bumaba na rin ang alert level system sa lungsod ayaw ng magpabakuna ang ilan sa mga ito.
Isa sa nakakaranas nito ay ang upper barangay ng Panicuason na ayun sa pahayag sa Brigada News Fm Naga ni Punong Barangay Domingo Ramos ay kahit anong paliwanag ang gawin nila sa mga senior citizens sa kanilang lugar na maganda sa kalusugan ang vaccines, hindi ang mga ito naniniwala.
Idinahilan ng mga matatanda na wala naman daw COVID-19, kaya bakit pa magpapabakuna.
Anya’y nagagalit pa ang mga ito kung pinipilit nilang magpabakuna, sabi pa ni Ramos at baka sila pa ang masisi kung may masamang mangyari sa mga ito kung magpabakuna.
Ang City Government ay patuloy na nagsasagawa ng vaccination activities para hindi na muling dumami pa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod.