Pagbabalik ng Philippine History sa K+12 curriculum nararapat pero sistema sa pagturo pag-aralan- History Professor

NAGA CITY- Naging kontrobersiyal ang pagsasalarawan ng aktres na si Ella Cruz sa history bilang katulad ng tsismis, kasunod nito isinusulong ng tatlong partylist group sa Kamara na Kabataan, ACT Teachers at Gabriela na ibalik sa K12 curriculum ang Philippine History.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Prof. Leo Imperial, Presidente ng Nueva Caceres Heritage Movement sinabi nitong may impact ang sinabi ni Cruz dahil isa itong aktres at dahil dito naipromote pa ang pelikulang kinabibilangan nito na “Maid in Malacañang.”  Ang salita aniya ng mga nasa showbiz ay maaaring makaapekto sa pananaw ng iba o di kaya ay magbigay ng kalituhan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Para sa history professor na si Imperial ang history o kasaysayan ay hindi tsismis.  Ang tsismis aniya ay base sa opinyon subalit ang history aniya ay siyensa, may conceptual framework at may methodology base sa katotohanan. Maaring may kulang subalit pinag-aralan ang iba pang impormasyon ayon pa sa professor.

Kaya naman sang-ayon ito na ibalik ang Philippine History sa K-12 curriculum. Sa kaniya aniyang karanasan kailangan muna nila i-review ang Philippine History upang maunawaan ang aralin sa kolehiyo dahil hindi na ito natutukan sa sekondarya.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Pero ang tanong ni Imperial paaano ituturo ang kasasyayan sa kasalukuyang administrasyon? May babaguhin ba lalo na sa panunungkulan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr o mananatili ang mga dati nang nailathala?

Dapat aniyang pag-aralan kung alin lamang ang ituturo sa Elementarya, Sekondarya at sa kolehiyo.