Lalaking tinalian sa kamay at binaril-patay sa Masbate, nakilala na

(UPDATE) SORSOGON CITY – Kinilala na ng Cawayan police ang lalaking pinagbabaril-patay, umaga noong Lunes, Hulyo 4 nitong taon sa Sto. Niño, Brgy Recodo sa bayan ng Cawayan, Masbate.

Sa pahayag sa Brigada News ng himpilan ng pulisya, ang biktima ay nakilalang si Jerome Masong Tudtud, 32-anyos, may kinakasama, magsasaka at construction worker na nakatira sa Purok 5, Brgy. Maihao ng nasabing bayan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon sa report, ang pamamaril ay naiulat sa himpilan ng Pulisya ng Punong Barangay na si Sanilito Andales.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na ang biktima ay tinalian sa kamay, pinaluhod saka binaril ng nasa limang hindi kilalang mga suspek.

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon sa pagkakilanlan sa mga salarin at sa motibo sa krimen.#