Pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa Cordillera, tuloy

Tuloy pa rin ang pagbubukas ng klase sa mga paaralan sa Cordillera Administrative Region sa August 22, 2022, ito’y sa kabila ng mga pinsalang naiwan ng malakas na lindol sa Hilagang Luzon.

Ayon sa Department of Education-CAR, hybrid learning modality ang kanilang ipapatupad sa mga paaralan sa rehiyon na napinsala ng lindol pero handa naman ang mga guro at mag-aaral.

Para naman sa mga paaralan na napinsala pero mayroong maayos na gusali na pwedeng magamit, maaaring ipatupad ang limited face-to-face classes.

At sa mga paaralan na walang natamong pinsala, ipatutupad ang full face-to-face classes.

Kaugnay nito, humiling naman ang DepEd-CAR ng dalawang linggong extension para sa pagbubukas ng klase sa mga paaralan na nasira at maraming guro at mag-aaral ang naapektuhan ng lindol.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Mababatid na aabot sa mahigit isang bilyong piso ang kakailanganin ng DepEd para sa rehabilitasyon ng mga silid-aralan na nasira sa mga lugar na tinamaan ng lindol.

DepEd, nag-request na ng budget sa DBM para sa quick intervention at rehabilitasyon ng mga paaralang nasira ng mga nagdaang bagyo at ng nakaraang lindol

Inihayag ng Department of Education (DepEd) na nakipag-ugnayan na sila sa Department of Budget and Management (DBM) para sa kakailanganin nilang pondo para sa quick intervention at rehabilitasyon ng mga paaralan sa bansa na nasira ng mga nagdaang bagyo at ng nakaraang lindol.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DepEd Spokesperson Micahel T. Poa na aabot sa P16 hanggang P18 billion ang hihilingin nilang budget sa DBM para sa muling pagpapaggawa ng mga paaralan.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Kaugnay nitom aminado si Poa na hindi agad makapagtatayo ng bagong silid-aralan ngayong malapit na muling bumalik sa mga paaralan ang mga mag-aaral.

Dahil dito, sinabi ni Poa na may nakalatag na silang quick interventions kagaya ng pagtatayo ng mga temporary learning spaces.

Aniya, makapagtatayo ng isang temporary learning spaces sa loob ng tatlong araw kung kaya’t kumpiyansa aniya sila na may magagamit ang mga estudyante bago magpasukan.

Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang DepEd sa mga LGU’s at bawat barangay para sa mga lugar na hindi ginagamit sa kanilang nasasakupan na pwede ring gawing temporary learning spaces.(CLAY MARQUEZ)
#