Ilang mga PUV sa Camarines Sur walang maayos na ilaw-LTO Naga

NAGA CITY – Pinapababa at ipinalilipat ang mga pasahero ng alinmang pampasaherong jeepney na bumibiyahe sa gabi kung walang ilaw ang sasakyan. Hindi kase malayo na malalagay sa kapahamakan ang mga pasahero.

Ito ang otomatikong hakbang na ginagawa nina Grace Rojas, head ng LTO-Naga kung naaaktuhan nilang walang ilaw ang jeep, sabay na abiso sa driver at pagticket dito depende kung ilang beses na itong may ganitong paglabag sa batas-trapiko.

Paliwanag ni Rojas sa Brigada News FM Naga, karamihan sa mga pampasaherong jeep na nasisita nila ay iyong terminal na malapit sa kanilang opisina tulad ng mga biyaheng Minalabac at Sipocot na malayo-layo ang tatakbuhin pa ng sasakyan mula sa Naga City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *