Ilang mga personahe ng PNP sa ilang mga probinsya ng Bicol, ginawaran ng medalya

BNFM Bicol-GINAWARAN ng Medalya ng Kagalingan ang limang personahe ng Philippine National Police (PNP) Bicol mula sa iba’t ibang probinsya sa rehiyon ngayong araw, Agosto5.

Sa isinagawang flag ceremony sa PNP Regional Headquarter sa Camp BGen Simeon A. Ola, Legazpi City binigyan sina PCAPT Irenio R Mendoza at PSSG Edgar T Perez ng Camarines Norte Police Provincial Ofice, kasama sina PSSG Arvin A Buere at  PCPL Jayson Millena ng Albay Police Provincial Office ng Medalya ng Kagalingan at Medalya ng Kasanayan naman ang iginawad kay NUP Ma Laarni I. Datario ng Camarines Norte Police Provincial Office.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City
Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Pinangunahan ang paggawad sa mga personahe ng Regional Director ng PNP Bicol. ### KENNETH BERMIL