District Fire Marshal ng Maynila, pansamantalang inalis sa pwesto matapos ang sunog sa isang gusali sa Binondo

Pansamantalang inalis sa pwesto ang District Fire Marshal ng Maynila na si Senior Superintndent Aristotle Bañaga.

Ito’y matapos ang nangyaring sunog sa isang gusali sa Binondo, Maynila, na ikinasawi ng 11 katao.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ayon kay Bureau of Fire Protection (BFP) NCR Director Fire Chief Superintendent Nahum Tarroza, pansamantala munang uupo sa pwesto si Fire Senior Superintendent Rodrigo Reyes bilang officer in charge.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Bukod kay Bañaga, na-relieve din sa pwesto si Fire Chief Inspector Dominic Salvacion, na hepe ng Manila Fire Safety Enforcement.

Dagdag pa ni Tarroza, bahagi ito ng mga hakbang upang bigyang daan ang imbestigasyon.