Ilang mga paaralan sa Albay, napiling maging benepisyaryo ng PRC-AMRC funded project

LEGAZPI CITY – Napiling maging benepisyaryo ang ilang mga paaralan sa lalawigan ng Albay ng Philippine Red Cross-American Red Cross funded project.

Sasabak umano sa training ang mga school heads at mga guro ng naturang mga paaralan upang mabigyan ng karagdagang kaalaman sa pagresponde sakaling mayroong kalamidad.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang Igang Elementary School, Bacacay East Central School, Vinisitahan National High School, San Pedro Elementary School, at Basud Elementary School, pati na rin ang mga paaralan mula sa bayan ng Manito ay ang Holugan Elementary School, Manito National High School, Cawit Elementary School, Tinapian Elementary School, at Malobago Elementary School.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *