Ilang mga kandidato sa Camarines Sur , nasamplelan sa operation baklas

NAGA CITY- Tinanggal ang ilang mga campaign materials na wala sa common poster area o sa mga lugar na wala sa kasama sa pinapagayan ng Commission on Elections sa Canaman, Camarines Sur kaugnay ng nationwide simultaneous Operation Baklas.

Ilan sa mga tinanggal ay mga nasa easement na. Sinabi naman ni COMELEC Officer Nenette Efondo, ginastusan ng mga kandidato sa Barangay at Sanguniang Kabataan ang mga tarpaulin pati ang mga frames nito, hindi aniya ibabasura kaagad kundi ipapakuha pa rin sa mga kandidato sa kondisyon ilalagay na ito sa nararapat na lugar.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Kasama ng tanggapan ang Camarines Sur II Electric Cooperative (CASURECO II),  Bureau of Fire Protection (BFP)  at PNP.

Samantala sa Magarao naman, napag-alaman ng BNFM Naga sa PNP na hindi natuloy ang partisipasyon nila sa operasyon dahil ni-reschedule ng COMELEC sa ikalawang araw ng Operation Baklas sa Oct. 27 , sa inisyal kaseng pagtatala sumunod naman ang maraming mga kandidato.

Sa bayan ng Garchitorena, may mangilan-ngilan ng nasampelan sa nasabing pagbaklas dahil nakadikit ang mga ito sa poste ng kuryente. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Arnel Abaya, Election Officer III ng COMELEC Garchitorena, napag-alaman na halos lahat naman ng kandidato ay sumunod sa tamang sukat ng mga campaign paraphernalias ngunit may iba sa mga ito ang hindi sumunod sa mga common posting area.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Kaugnay nito, sakaling may magreklamo sa kanilang himpilan at makumpirma nilang lumabag ang mga ito sa maling pagpapaskil, kahit may nakatalaang petsa lang ang nasabing pagbabaklas ay sapilitan nila itong tatanggalin kapag hindi pa ito naaaksyunan sa loob ng 74 oras.

Muli namang nanawagan ang COMELEC Garchitorena sa mga kandidato pagdating sa mga basura habang at pagkatapos ng kampanya.