Ilang mga Bicolano hati ang opinyon sa kontrata sa PNR Bicol Project

NAGA CITY- Matagal nang hinihintay ng mga Bicolano ang pagbabalik ng biyahe ng tren mula sa Maynila at pabalik, marami ang nasasabik subalit may ilan ding pumupuna.

2019 noong nakakita na ng pag-asa ang mga commuter sa rehiyon matapos na maging matagumpay ang inspection trip at buksan na ang Main Line South hanggang Iriga City.

Nitong Enero 17, 2022 inanunsyo ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Art Tugade na nilagdaan na ang isang joint venture sa tatlong Chinese companies ang multibillion-peso contract sa unang package ng Philippine National Railways South Long Haul project (PNR Bicol).

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ang PNR Bicol ay 565-kilometer railway, uunahin ang 380 kilometers mula Banlic, Calamba , Laguna hanggang sa Daraga, Albay.

Ang umaabot ng 12-oras na biyahe ay aabutin na lamang ng apat na oras ayon sa DOTr. Walang binanggit na petsa kung kailan target na maisakatuparan.

Sa kabila nito may mga negatibo pa ring komento dahil Chinese Companies ang makakatuwang sa proyekto. Madali umanong masira ang tren.  Sana raw ay sa Japan na lamang ayon sa ilang mga komento sa FB page ng BNFM. 

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Para sa commuter na si  Roderick Opeña, ng Ocampo Camarines Sur mas komportable siya sa tren dahil mas maluwag.

Ngayon tuloy pa rin ang biyahe ng tren mula sa PNR Naga hanggang Sipocot  Camarines Sur at vice versa. Alas 5:20 ng umaga, 10:40 at alas 3:30 ng hapon.