BNFM BICOL— Hindi pa rin nakikitaan ng pagbaba ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa Bicol Region. Katunayan kahapon araw ng Miyerkules, nakapagtala ang rehiyon ng 686 na mga bagong kaso ng sakit batay sa inilabas na report ng Department of Health.
Sa naturang bilang, 320 sa mga ito ang mula sa Camarines Sur kung saan 113 ang mula sa Naga City; 37 sa Pili; 25 sa Tinambac; 17 sa Iriga City; 16 sa Goa; 15 sa Nabua; tag 11 ang bayan ng Canaman at Sagnay; tag a-anim ang mga bayan ng Baao, Cabusao, Camaligan at Ocampo; may tag li-lima ang Lagonoy, Libmanan, Magarao at Sipocot; tatlo sa Milaor at Minalabac; tag da-dalawa sa Gainza, Pamplona, Pasacao, Ragay, San Fernando at San Jose habang may tag-iisang kaso ang mga bayan ng Bombon, Buhi, Bula, Caramoan, Del Gallego, Garchitorena, Presentacion at Siruma.
Ang Albay ay mayroong 148 mga bagong kaso ng sakit kung saan 69 sa mga ito ang mula sa Legazpi City; 20 sa Daraga; 15 sa Malilipot; 11 sa Tabaco City; walo sa Camalig; lima sa Guinobatan at Manito; apat sa Ligao City; tag tatlo ang Sto. Domingo at Tiwi; dalawa sa Malinao at Oas habang may isa naman ang bayan ng Polangui.
Umabot naman sa 141 ang naidagdag na kaso sa lalawigan ng Sorsogon kung saan 63 sa mga ito ang mula sa Sorsogon City; 11 sa bayan ng Bulan at Pilar; siyam sa Irosin; walo sa Casiguran; pito sa Juban; tag a-anim na kaso ang Gubat, Matnog, at Prieto Diaz; lima sa Magallanes; tatlo sa Bulusan at Castilla; dalawa sa Donsol at isa sa Barcelona.
Sa Camarines Norte, 72 mga bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kahapon kung saan 26 nito ang mula sa Daet; 11 sa Jose Panganiban; sampo sa Labo; siyam sa Vinzons; anim sa Paracale; apat sa Talisay; tag dalawa ang Capalonga at Mercedes at tag isa naman ang Basud at Sta. Elena.
Ang islang lalawigan ng Catanduanes ay mayroong tatlong kasong naitala kung saan dalawa nito ang mula sa Bagamanoc at isa ang mula sa Virac.
Wala namang naidagdag sa Masbate ngunit dalawang kaso ng sakit ang nagmula sa labas ng Bicol ngunit ditto naitala sa rehiyon.
Bunsod nito, sumipa na sa 52,763 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Kabikolan kung saan 7,260 sa mga ito ang nananatiling aktibong kaso.
Nasa 78 naman ang naidagdag sa mga gumaling kung kaya’t nasa 43,479 na ang bilang ng recoveries habang sumampa na sa 2,024 ang death toll makaraang maitala ang 17 nasawi kahapon.###