BNFM BICOL –NAKATUWANG ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol ang ilang mga bayan sa rehiyon sa pagsasagawa ng 2-day Cash-for-Training na bahagi ng Project LAWA at BINHI sa ilalim ng Risk Resiliency Program (RRP).
Simula noong Hunyo 21-26, aabot sa 1,494 ang mga naging benepisyaryo mula sa mga bayan ng Magallanes at Casiguran sa Sorsogon, Balud at Pio V Corpus sa Masbate, Bagamanoc at Caramoan sa Catanduanes.
Sila ay sumailalim sa loob ng 20 araw ng implementasyon ng naturang mga proyekto na naglalayon na sanayin ang mga benepisyaryo na panatilihin ang maayos na pagpapatupad sa proyekto.
Ang Project LAWA at BINHI ay isang programa na tumatalakay sa banta ng kakulangan sa pagkain at tubig upang labanan ang kagutuman at kahirapan sa mga komunidad. ### Pauline Manga, Intern