68-anyos na ginang, sinuntok ng dating live-in partner ng anak sa Atimonan, Quezon

Inirereklamo ng isang 68-anyos na ginang ang dating live-in partner ng kanyang anak matapos umano siya nitong suntukin sa ulo sa Barangay San Isidro, Atimonan, Quezon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, Hunyo 15 umano nang magtungo ang suspek sa bahay ng dati nitong partner at nagkaroon ng pagtatalo.

Read More:  Academe, religious groups to hold prayer rally against SOCOTECO II-Ignite Power JVA

Nang marinig ng biktima ang away ay agad itong nagtungo sa bahay ng kanyang anak na katabi lamang ng kanyang tahanan at sinubukang awatin ang suspek subalit doon na siya sinuntok sa ulo.

Read More:  Parked SUV hit by gunfire in Kidapawan City

Nagtamo ng injury ang biktima kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas habang ang suspek naman ay agad na tumakas.

Sa ngayon, inihahanda ang reklamong Physical Injury laban sa naturang suspek.