Anim na bangko na ang naglabas ng certification na hindi totoo ang ang bank information umano ni Commission on Election (Comelec) Chairperson George Erwin Garcia.
Ito’y matapos magpadala si Garcia ng request letter sa mga bangko upang linisin ang kanyang pangalan sa publiko na walang siyang account sa BPI Alfaro Branch, Landbank Intramuros, Metrobank Makati, Union Bank Ortigas Center, at BDO.
Maalalang inakusahan ni dating Caloocan congressman Edgar Erice ang isang hindi pinangalanang election official na bumulsa umano ng pera sa P18-million contract ng South Korean company na Miru Systems.