HIGIT 31M HALAGA NG BABOY, APEKTADO NG ASF OUTBREAK SA SAN JOSE, OCCIDENTAL MINDORO

Batangas City – Tinatayang mahigit 31 milyong halaga ng estimated loss ang naitala sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro dahil sa mga baboy na apektado ng African Swine Fever.

Ayon sa ulat ng Municipal Agriculture Office, sa kabuuan ay aabot na sa P31,382,000 ang nalugi na ng mga hog raisers sa naturang bayan.

Umabot na sa 1,768 na bilang ang depopulated swine na may halagang aabot sa P19,588,000 pesos na mula sa 131 hog raisers sa mga barangay ng Bubog, San Roque, Mabini, La Curva, Labangan Poblacion, San Isidro, at Camburay.

Habang 969 swine deaths naman ang napatala sa 156 hog raisers sa mga barangay ng Bagong Sikat, Bayotbot, Bubog, Camburay, La Curva, Labangan Poblacion, Mabini, Magbay, Mangarin, Mapaya, San Agustin, San Isidro, at San Roque na may katumbas na halagang aabot sa P11,794,000 pesos.

Kaugnay nito, makakatanggap naman mula sa DA, ng limang libong piso per head ang mga hog raisers na hindi nakapagpa-insured sa Philippine Crop Insurance Corporation o PCIC ngunit limitado lamang ito sa 20 heads.

Samantala, patuloy naman ang ginagawang hakbang ng lokal na pamahalaan ng San Jose upang masugpo ang kaso ng ASF sa naturang bayan.