Ilang meat stalls sa Sto. Nino, isinailalim sa inspeksyon

KORONADAL CITY – NAGSAGAWA ng inspeksyon ang National Meat Inspection Services o NMIS-12 sa iba’t ibang mga stalls ng karne sa Sto. Niño, South Cotabato.

Sa aktibidad na ito, nakakumpiska ang grupo ng dalawang ulo ng “mishandled pork carcass” na may bigat na 33 kilos; 4.8 kilos naman ng pork “hot meat” ang nakuha sa isang hindi otorisado na meat establishment; at 67 kilos na mishandled chicken meat. Bayulasyon naman sa RA 9296 o ang “Meat Inspection Code of the Philippines” at iba pang mga connecting laws laban sa hindi otorisado na pagbibibenta ng karne.

Read More:  Senior Citizens in Gensan find fun, fitness in Pickleball
Read More:  PWD allegedly assaulted by cousin in General Santos City

Matapos ang aktibidad, agad na isinagawa ang documentation ng 104.8 kilos lahat ng nakumpiska na karne at ito ay ligtas na nai-dispose sa Municipal Slaughterhouse ng Sto. Nino.