Legazpi City- Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagkakaroon ngayon ng weekly monitoring sa mga noche buena at manufacturer products.
Ayon kay Joseph Ranola, ang Chief Consumer Protecton Division Office ng DTI Bicol, iminumungkahi ng ilang mga product manufacturers na sana’y taasan ng presyo ang mga bilihin ngayon nalalapit na kapaskuhan.
Aniya, alam ng ahensya na ilang sa mga ito ay kinakailangan tumaas ang presyo dahil na rin sa nararanasan pandemya.
Malaki na rin ang nagagastos ng mga manufacturers at maging ang cost of production nito ay tumaas rin at upang masigurado nito na ang publiko ay patuloy na nabibigyan ng supply ng produkto ang mga market.
Dahil dito, napakiusapan din ang mga ito na i-base na lamang nito ang 3rd quarter inflation rate na 4.0%.
Pinayagan rin ni Sec Mon Lopez na taasan ang kanilang produkto na hanggang 3% lamang na kung saan sinunod naman ng mga manufacturers.
Sinabi ng opisyal, apat lamang na noche buena products ang pinayagan na taasan at hindi rin lahat ng produkto ay nagkaroon ng pagtaas.
Tanging ang dairy products, pasta, fruitcocktails, at meat products ay mayroong paggalaw ng presyo habang ang ilang produkto ay nanatili lamang.