BRTTH nagdagdag ng bed capacity vs Omicron

BICOL—Bagamat wala pang naitatalang kaso ng Omicron COVID-19 variant sa Pilipinas ay naghahanda na ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) laban dito.

Kaugnay nito ay dinagdagan ng ospital ang bed capacity nito sa 250 sakali mang tumaas muli ang kaso ng COVID-19 sa Albay sakaling makapasok ang pinangangambahang panibagong variant.

Ayon kay Dr. Eric Raborar, BRTTH hospital chief, dumating kasi sa punto noong kasagsagan ng mataas na kaso sa Bicol na nasagad ang bed capacity ng ospital dahil sa dami ng mga COVID-19 patients na lumagpas sa 200.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa ngayon ay nasa kulang kulang 30 na COVID patients na lamang ang naka-admit sa BRTTH matapos ang pagbaba sa mga bagong kasong naitatala nitong mga nagdaang linggo.

Pinasalamatan naman ni Raborar ang mga inidbidwal at maging ang mga organisasyon na patuloy na sumusuporta at nagdodonate ng personal protective equipment (PPE) at ng iba pang kagamitan para sa mga Covid-19 patients sa BRTTH.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Anya, ang isang set ng PPE ay nagkakahalaga ng P5,000 at bawat health worker ay gumagamit ng mahigit isang set nito sa tuwing sila ay nag-aasiste sa mga Covid-19 patients.

Pinuri naman nito ang mga LGU sa patuloy na pagsisikap na mapataas ang kanilang vaccination rate na anya malaking bagay sa pagpapababa ng mga kaso ng sakit sa komunidad.### | slm