Ilang mangingisda sa Bataan – nangangambang apektado na ng oil spill ang kanilang mga huli

Nangangamba na raw ang mga mangingisda sa Bataan dahil sa posibleng epekto ng magkakasunod na oil spill sa kanilang lalawigan.

Sa isang panayam, sinabi ni Bataan Gov. Joet Garcia na mayroon na raw na-report ang mga mangingisda sa Mariveles na posibleng epekto ng langis sa kanilang mga nahuling isda.

Read More:  Henry Aguda quits as DICT chief amid controversies

Sabi raw sa kaniya ng mga mangingisda doon – ‘amoy langis’ na ang kanilang mga huli.

Hanggang sa mga coastal areas ay mayroon na raw mga bakas ng oil slick.

Read More:  ₱7.2 trillion 2027 budget wins House approval amid pork barrel allegations

Kung maaalala – sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasara na ang pinagmumualn ng oil spill sa unang barong lumubog na MT Terra Nova.

Gayunpaman, para naman sa ikatlong barkong sumadsad na MV Mirola 1 – tuluy-tuloy pa rin ang manu-manu nilang pagsalok ng mga tumagas na langis.