Ilang mambabatas, isinulong ang mas mahabang termino para sa Pangulo

Isinulong ni Pampanga Representative Aurelio Gonzales Jr. ang mas mahabang termino para sa Pangulo, mga miyembro ng House of Representatives at mga lokal na opisyal.

Ang nasabing proposal, na makikita sa Resolution of Both Houses No. 7, ay naglalayon na mabigyan ang presidente at bise presidente ng termino na limang taon, na may kasamang isang reelection.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sinabi ni Gonzales na masyadong maikli ang six-year tenure para sa isang Pangulo, lalo na kung nahaharap ito sa isang krisis tulad ng COVID-19 pandemic.

Samantala, sa ilalim ng resolusyon ay iminungkahi rin ni Gonzales ang pagbabawal sa Pangulo na tumakbo para sa kahit anong elective post oras na matapos ang termino nito.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Ipinanunkala rin niya na ang pagboto sa isang pangulo at katumbas rin ng boto para sa running mate nito sa vice presidential race.