Nilinaw ng Department of Health na hindi magbabago ang COVID-19 isolation at quarantine periods para sa general population.
Inihayag ito ng DOH matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang pagpapaikli sa isolation at quarantine periods para sa fully vaccinated health workers.
Base sa mga panuntunan, ay maaring paikliin ng Hospital Infection Prevention and Control Committees at ng Provincial Health Officers ang isolation period ng fully vaccinated health workers hanggang limang araw mula sa 10 araw.
Para sa general population, ang isolation period para sa COVID-19 patients na asymptomatic o may mild to moderate symptoms ay nasa 10 araw o dipende sa abiso ng doktor.
Maari naman umabot sa 21 araw o dipende sa abiso ng doktor ang isolation ng mga pasyente na may severe o critical symptoms.
Nasa 7 araw naman ang quarantine sa mga close contacts kung sila ay fully vaccinated at 14 naman kung hindi pa bakunado o hindi pa kumpleto ang natatanggap nilang shots.
