Ilang mambabatas, bukas sa panukala ni VP-elect Duterte na i-review ang K-12 Program

Suportado ng ilang mga Senador ang ipinapanukalang pagre-review sa K-to-12 Program ni Vice President-elect at Education Secretary-designate Sara Duterte.

Ayon kay Senador Win Gatchalian handang tumulong ang mga mambabatas sa pagbisita at pagrepaso sa mga panuntunan at mga nilalaman ng education system na ito.

Aniya, sa pag-aaral daw kasi ay tila hindi naman nakakamit ng K-12 ang orihinal na mithiin nito nang ipatupad ito sa basic education.

Read More:  DA issues notices to 36 rice retailers for violating imported rice price cap

Hindi rin naman aniya naha-hire automatically ng mga employer ang mga nagtatapos ng Senior High School.

Dagdag pa ni Gatchalian, hindi raw epektibo ang kasalukuyang sistema dahil hindi rin naman nadaragdagan ang karunungan ng mga kabataan.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa kabila nito, nilinaw ng mambabatas na siya ring chairperson ng Senate Committee on Education na hindi naman nila tuluyang bubuwagin ang K-12 at ibabalik sa lumang sistema na anim na taong grade school at apat na taong high school.

Paliwanag ni Gatchalian, magkakaroon lamang ng review para malaman kung ano ang mga dapat baguhin sa kasalukuyang K-12 system para mapabuti ang kinabukasan ng mga learners.
#