2 bayan sa SoCot, posibleng isailalim sa red zone status ng ASF

KORONADAL CITY — HINIHINTAY na lamang ng provincial government ng South Cotabato ang opisyal na deklarasyon ng Bureau of Animal Quarantine ng Department of Agriculture o DA Region-12 sa African Swine Fever o ASF status ng lalawigan matapos na dalawang bayan nito ang nagkaroon ng kumpirmadong kaso ng nabanggit na sakit.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ngunit sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., nilinaw nito na hindi buong probinsiya ang ilalagay sa red zone sa halip ang mga bayan lamang na tinamaan ng nakakahawang sakit ng mga baboy.

Sakali umanong isailalim ang mga ito sa red zone, hindi na maaaring magpalabas ng buhay na baboy o pork products ang probinsiya papunta sa mga green zone areas.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa ngayon, umaabot na sa 6,000 na mga baboy mula sa mga bayan ng Banga at Surallah ang isinailalim sa mandatory culling dahil sa kaso ng ASF.