Mananatili sa alert level 3 ang ilang lugar sa Central Luzon.
Kabilang dito ang lalawigan ng Aurora, Bataan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija at Zambales.
Gayundin ang Olongapo at Angeles city, habang ibinaba naman sa alert level 2 ang lalawigan ng Bulacan.
Epektibo ang bagong risk classification mula February 01 hanggang February 15, batay sa inilabas ng IATF.
