Kanselado ang siyam na international flights at apat na domestic flights dahil sa masamang panahong dulot ng Bagyong Jolina.
Sa isang flight advisory, kanselado ang mga flights na All Nippon Airways 869/870 Haneda-Manila-Haneda; SQ 912 Singapore-Manila and SQ 919 Manila-Singapore; AirSwift T6 5110/5111 Manila-Puerto Princesa-Manila; Philippine Airlines PR 1813/1814 Manila-Davao-Manila Jetstar Asia 3K 766/765 Manila-Singapore-Manila.

Kanselado rin ang flights ng Etihad Airways EY 423/424 Manila-Abu Dhabi-Manila; Starlux JX 785/786 Manila-Taipei-Manila; United Airlines UA 183/184 Guam-Manila-Guam.
Ang pagkansela sa mga flights ay bahagi ng pag-iingat ng mga paliparan sa gitna ng banta ng bagyong Jolina at ng isa pang papalapit na bagyo na Bagyong Kiko.