CAMARINES NORTE – Kinumpirma ng Commission on Elections na mayroon nang mga kandidato para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Camarines Norte ang napadalhan na ng show cause order dahil sa premature campaigning.
Ito sinabi ni Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves sa naging panayam ng Brigada News FM Daet kahapon.
Hindi masabi ni Nieves kung ilang kandidato na ang napadalhan ng show cause order pero wala pa nama daw itong sampu.
Paliwanag ni Nieves na may mga reklamo daw kasi na hindi na dumadaan sa Election Officer o sa Provincial Election Supervisor dahil pwede itong gawin sa pamamagitan ng paggamit ng QR code nan aka link na rin sa kanilang central office.
Hinimok rin ng Comelec ang publiko na ireport sa kanila kung mayroong nangyayaring vote buying at vote selling sa kanilang lugar.
Pwede rin umanong maghain ng reklamo sa Department of Justice.
Dagdag pa ni Nieves na maging ang PNP o AFP ay hindi na rin pwedeng balewalain ang reklmao sa vote buying at vote selling.
Aniya kung dati ay tila pinapabayaan lang ito at nagsasawalang kibo ang PNp o ang AFP, ngayon ay mayroon talagang masasampolan lalo na kung lantaran na ang bilihan ng boto.
