Comelec Camarines Norte naglabas ng last minute instructions kaugnay sa pagsisimula ng campaign period ngayong araw

CAMARINES NORTE – Naglabas ng last minute instructions ang Commission on Elections sa lalawigan ng Camarines Norte kaugnay sa pagsisimula ng campaign period  ngayong araw para sa Barangay at Sangguniang kabataan Elections.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves, inilatag nito ang mga panuntunan partikular sa mga campaign materials at gastos ng mga kandidato.

Ayon kay Nieves, mahigpit na ipinagbabawal ang paglalagay ng posters, tarpaulins at individual posters sa common poster area na lalagpas sa sukat na 2×3 feet.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Hindi rin naman pwedeng isang poster na 2×3 feet ang kada letra ng pangalan dahil lalabag pa rin ito sa limit. Binigyang diin din nito na magpaskil lang ng campaign materials sa designated common poster area na itinalaga ng Comelec sa bawat barangay.

Alinsunod rin sa Comelec Resolution bawal ang paggamit ng campaign o propaganda materials na lalabag sa gender sensitivity principles, malaswa, at discriminatory, gayundin ang mga poster o tarpaulin na walang nakasulat na “Political advertisement paid for/by.”

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Pinag- iingat rin ni Nieves ang mga kandidato sa paggastos at ipinaalala na  hanggang P5 kada registered voter ang pwedeng gastusin.

Iminungkahi ni Nieves na kung maaari ay tradisyunal na paraan na lang ng pangangampanya ang gawin sa halip na gumamit ng kung ano- ano para hindi lumagpas ang gastos sa limit. Tatagal ang campaign period ng 10 araw o hanggang  October 28, 2023.