Mababa ang bilang ng mga insidente ng nakawan sa Olongapo ang nairereport sa mga istasyon ng pulis.
Ito ay kung ikukumpara sa madalas na ipinapost sa social media ng mga nabibiktima ng pagnanakaw sa lungsod.
Ayon kay City Police Deputy Dir. for Operations PLTC Erwin Fabroquez, apatnaput anim lang ang nakawan na naireport sa mga pulis simula noong buwan ng Enero na mas kakaunti kung ikukumpara sa dami ng mga nagpopost sa social media.
Dahil dito, sinabi ni Fabroquez na posibleng pinipili ng ilan sa mga biktima na huwag nang magreklamo at sa halip ay alertuhin ang iba para hindi manakawan kaya may mga insidente ang hindi na nalalaman ng mga pulis.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
