134 OFW dependents bagong scholars ng OWWA 12

KORONADAL CITY- NASA 134 na mga dependents ng mga Overseas Filipino Workers o OFW’s sa region 12 ang nakapasok bilang mga bagong scholars ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 12. Ito ay sa ilalim ng Education for Development Scholasrhip Program o EDSP at OFW Dependent Scholarship Program o ODSP para sa school year 2021-2022.

Inihayag ni OWWA 12 regional director Marilou Sumalinog na isang karangalan at oportunidad ang maging OWWA scholar dahil mabibigyan din ang mga ito ng pagkakataon na matulungan ang miyembro ng kanilang pamilya na nagsasakripisyo sa pagtatrabaho sa ibang bansa.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ang EDSP ay isang scholarship grant sa mga qualified dependents ng active OWWA members na gusting kumuha ng 4 hanggang 5-year baccalaureate course sa kahit saang kolehiyo o unibersidad. Makakatanggap ang mga ito ng P 60,000 na financial assistance kada school year.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Samantala, ang ODSP ay nagbibigay naman ng educational assistance na P20,000.00 per school year sa mga qualified dependents ng active OWWA member na buwanang sahod na hindi lalagpas sa $ 600 USD.