Ilang grupo, malugod na tinanggap ang appointment ni DA Sec. Laurel

Ibinahagi ni Oceana Philippines Vice President Atty. Gloria Estenzo Ramos na ang pagkakatalaga kay Sec. Francisco Laurel bilang bagong kalihim ng Department of Agriculture ay ang unang beses na nagmula sa fisheries sector ang mamumuno ng naturag ahensya.

Ayon kay Ramos, posibleng maging advantage ito lalo na para sa advocacy ng sektor.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Dagdag pa niya, ang pagkakatalaga sa bagong secretary ng DA ay makatutulong para maisaayos ang mga hamon na kinahaharap ng mga mangingisda.

Umaasa umano sila na sa ilalim ni Laurel ay mapag-uusapan ang ilang mga issues sa fisheries sector.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Isa na nga rito ay ang reclamation na siyang nakasisira sa sea habitat, corals, seagrass, at mangroves na aniya ay dapat tugunan sa pamamagitan ng matibay at holistic na approach.