Camarines Sur naka Red Alert Status sa Semana Santa simula Abril 2; Seguridad sa Border, nakalatag na

NAGA CITY- Naka Red Alert Status ang Camarines Sur simula April 2, 2023 base sa memorandum ni Governor Luigi Villafuerte; 24/7 naka monitor ang mga nasa emergency response units kaugnay ng Semana Santa.

Pinapamonitor ang mga simbahan,  beach resorts, pantalan , paliguan at iba pang pampublilong lugar. Tatagal ang Red Alert hanggang sa April 10.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Pero ngayon pa lamang nakalatag na ang seguridad sa border ng lalawigan, inaasahan ang pagdagsa ng mga motorsistang papasok at palabas ng Bicol Region.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PMAJ Emilio  Endrano, hepe ng Del Gallego Municipal Police Station. Aniya inaasahan nilang bawat araw aabot sa mahigit sa 500 ang daraang sasakyan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Mayroon aniyang motorist assistance center  ang PNP , katuwang nila ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Hindi batid ni Endrano ang magiging papel ng Land Transportation Office (LTO) sa border pero nakatitiyak ang hepe na may hakbang ang mga ito para sa kaligtasan ng mga pampublikong sasakyan at mga pasahero.