Ilang eskwelahan sa Camarines Norte hindi pa handa para sa limited face to face classes

CAMARINES NORTE- Aminado ang Department of Education na mayroon pa ring mga eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte na hindi pa handa para sa implementasyon ng limited face to face classes.

Ito ang inihayag ni Schools Division Superintendent Nympa Guemo, matapos ang ginawang pag- iikot sa mga eskwelahan kung saan kaniya umanong napag alaman na ang iba sa mga ito ay malayo pa  ang paghahanda at napakarami pang dapat gawin.

Aniya, patuloy na nadadagdagan ang mga eskwelahan na nagbubukas para sa limited face to face classes pero hindi nakasali ang Camarines Norte.

Tiniyak ni Guemo na sasali ang probinsiya sa implementasyon ng expanded limited face to case classes kaya’t kailangan umanong maihanda na ang mga eskwelahan.

Read More:  Motorcycle used for livelihood stolen in Puerto Princesa City; owner appeals for return

Nandiyan naman umano halos lahat ng pasilidad at kailangan lang ng “structuring” na bahagi ng paghahanda.

Umaasa ang opsiyal na sa pagtatapos ng pilot implementation sa Enero ay makasali na ang lahat ng eskwelahan sa lalawigan sa expanded face to face classes.

“Yung iba nakahanda na, yung iba ay hindi pa parang napakalayo pa,” ani Guemo sa programang DepEd hour.

 “So kasi in terms of facilities ay nandiyan na ang halos lahat di ba, kailangan na lang yung classroom structuring which is part of the preparations.”

Ngayon umanong Nobyembre at Disyembre ay kailangan na ihanda na ang mga eskwelahan at nais ni Guemo na magkaroon ng special meeting para dito.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Hindi na rin umano required ang barrier sa loob ng classroom sa halip ay kailangan lang na masunod ang isa hanggang dalawang metrong distansiya.

Pagdating naman sa class size, 12 ang maximum learners kada klase sa Kindergarten, 16 sa Grades 1-2, habang 20 naman sa Grades 4- 6 at Grades 7- 10 gayundin sa Grades 11- 12.

Importante umanong makagawa ng class scheduling upang hindi magsabay- sabay sa pagpasok, pag labas at recess ang mga mga bata sa eskwelahan.

Plano ng DepEd na isang linggo sa eskwelahan at isang linggo ring distance learning

Ipapatupad pa rin ang blended learning dahil mayroong online at modular, Radio Based Instruction at video lessons.