4 na preso ng SoCot Prov’l Jail, nag-positibo sa drug test

KORONADAL CITY — NAG-POSITIBO sa isinagawang random drug testing ang apat na mga preso ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o South Cotabato Provincial Jail.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay OIC Jail Warden Lory Celeste, 49 mga preso ang isinailalim sa random drug test at lumabas na positibo ang apat sa mga ito.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ikinagulat din umano nito na pawang mula sa tribong Lumad ang apat dahil dati rati, pawang mga presong Kristiyano at Muslim ang mga nagpopositibo sa illegal na droga.

Sa ngayon, hiniwalay na ng selda ang apat na nag-positibo para sa kaukulang disciplinary action.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Pawang may mga kasong murder umano ang apat na nag-positibo.

Isinagawa ang random drug testing sa provincial jail matapos ang ulat na may iilang preso pa rin umanong gumagamit ng illegal na droga sa loob.