OLONGAPO- Bubuksan muli ng Olongapo Inter-Agency Taskforce ang ilang dating pasilidad na ginamit bilang isolation facility.
Ayon kay City Health Officer Dr. Doods Bustamante, bukas ay makikipagpulong ang Local IATF sa pamunuan ng Columban para sa pagbubukas muli ng dating pasilidad nito na ginamit noon para maging isolation dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng aktibong kaso ng covid-19.
Maliban pa dito ay pinagpaplanuhan rin umano ng IATF na i-activate na rin ang Olongapo City Elementary School.
Base sa datos ng syudad as of June 6 ay umakyat na sa 304 ang aktibong kaso ng covid-19 sa Olongapo City.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
