Ilang casino sa Macau, isinara dahil sa COVID-19 outbreak

Isinarado pansamantala ang mga casino sa Macau na itinuturing na world’s gambling hub dahil sa COVID-19 outbreak.

Ayon sa report, kasama ang mga casino sa pansamantalang ipinasara ng mga otoridad na mga non-essential businesses sa loob ng isang linggo.

Read More:  219,000 customers in Hawaii lose power as Hurricane Lala sweeps through region

Napag-alaman na umabot sa 1,526 na mga COVID-19 cases ang naitala simula noong kalagitnaan ng Hunyo sa Macau.

Samantala, nasa 19,000 na tao ang isinailalim sa mandatory quarantine sa lungsod sa gitna ng pinakamalalang COVID outbreak simula noong 2020.

Read More:  12,800 displaced after magnitude 7.7 earthquake hits Indonesia

Una nang isinara pansamantala ang mga eskuwelahan at entertainment venues kabilang ang mga bars at cinemas dahil sa pandemya.

Base sa datus, nasa mahigit 90% ng mga residente ng Macau ang nakatanggap ng COVID-19 vaccines bagamat hindi malinaw kung ilan na ang nakatanggap ng booster doses. (LNM)