NAGA CITY – Nakatanggap ng parangal ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Camarines Sur, mula sa Lokal na Pamahalaan ng Naga, bilang pagbibigay sa kanila ng pagkilala sa mga matagumpay na operasyon.
Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Mark Anthony Viray, PDEA Provincial Officer, ikinatuwa nito na nakita at narecognize ng naturang LGU, ang kanilang mga pagpupursige at paglaban sa ilegal na Droga sa lungsod lalo na napakahirap masugpo nito dahil kapag may shipment na nangyayari o pagtransfer ng droga nadadaanan ang rehiyon ng Bicol kung saan may mga drogang naibaba rin sa lungsod ng Naga at naibababa sa mga bara-barangay.
Walong Barangay na sa lungsod ang konsideradong Drug Cleared na at kasalukuyang nasa proseso ang Barangay ng Dayangdang.
Sinabi pa ng opisyal na sumisimbulo ang mga drug cleared nang Barangay na unti-unti nang natutuldukan ang drug addiction.