Nagbabala si German Economy Minister Robert Habeck na dapat maghanda ang mga European countries sakaling hindi maibalik ang supply ng gas sa kanila mula sa Russia.
Una na kasing nagsara sa loob ng sampung araw na ang natural gas supplies mula Russia patungong Germany na idinadaan sa Baltic Sea Nord Stream 1 dahil umano sa maintenance work.
Inakusahan din ni Habeck ang Kremlin na ginagamit ang gas bilang armas na tugon sa sanction ng EU dahil sa giyera sa Ukraine.
Aminado naman si Habeck na masyado nang dependent ang Germany sa Russian gas.
Matatandaan na binawasan ng Russia noong kalagitnaan ng Hunyo ang supply na dumadaan sa Nord Stream 1 nang nasa 40% sa kapasidad ng nasabing pipeline. (LNM)