Ilang benepisyaryo ng 4P’s sa Camarines Norte tinanggal sa programa dahil sa pangsasangla ng cash card

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mayroon nang mangilan- ngilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa Camarines Norte ang tinanggal sa programa.

Ito ay makaraan umanong mapatunayan na nagsangla ng cash card na ipinagbabawal sa umiiral na polisiya.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Pantawid Provincial Link Claudio Villreal na non- appealable o hindi na makakabalik pa sa programa ang benepisyaryong tinanggal dahil sa pangsasangla ng EMV cash card.

Dumadaan naman daw kasi ito sa proseso bago tuluyang alisin ang benespisyaryo sa program.

Sa unang paglabag ay warning lamang ang ibibigay ng Municipal gayundin ng Provincial Link at sa ikalawang paglabag apat na buwang sususpindehin ang grant.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Kapag naulit pa sa ikatlong pagkakataon ay tuluyan nang tatangglin sa programa ang benepisyaryo.

“Isang paalala ano, ang grant o yung ating natatanggap sa gobyerno sa pamamagitan ng pamamaraan ng Pantawid Pamilyang Pilipino program ay para sa pag- aaral ng ating mga anak at para sa kalusugan ng inyong buong pamilya,” ani Villareal.

Aminado naman si Villareal na hindi kaya ng DSWD lang na tutukan ang problema sa pangsasangla ng EMV cash cards ng mga benepisyaryo.

Kailangan umano nila ng tulong mula sa Local Government Units.

Ang LGU Mercedes ay nagpasa ng ordinansa noong nakaraang taon na nagpapataw ng parusa sa mga nagsasangla at sinasanglaan ng cash cards.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Mayroon ding nakabinbing kahalintulad na ordinansa sa Sanggunaing Panlalawigan.

“Problema talaga tayo kasi ang Pantawid naman, ang mga staff ng Pantawid hindi namin kayang magpulis  na yun yung tutukan namin lang, so kami ay sa tulong ng lokal na gobyerno, barangay ng munisipyo, humihingi kami ng tulong sa kanila.”

Sa ngayon ay cash card na lahat ang mode of payment sa mga 4P’s beneficiaries maliban sa ilang naantala at bago pa lang sa programa.

Ilan sa mga dahilan din ng kawalan pa ng cash card ng ilan ay ang kabiguang magsumite ng tamang dokumento kaya nagpapatulong na rin sa LGU ang DSWD.